Malimit ng sinasabi ng tao na ang buhay ay hindi lamang puro sarap, may sakit at hirap din na dumarating. Hindi lamang saya ang hatid ng mga pangyayari, meron ding mga hinagpis na minsan ay nagiging dahilan kung bakit marami ang nagpapakamatay.
Isa sa mga kadahilanan kung bakit marami ang hindi nakukuntento sa buhay ay ang kawalan ng pera. Bahagi na ng buhay natin ang pera kung bakit nagkakagulo ang mga tao sa mundo, lalo na sa Pilipinas na itinuturing na kabilang sa "Third World Countries". Marami sa mga kabataan ngayon ay hindi na makapag-aral dahil walang pantustos sa pag-aaral ang kanilang mga magulang. Kulang na kulang ang kinikita ng pamilya na kahit sa pagkain ay nagiging dalawang beses sa isang araw na lamang imbes na tatlo.
Kahit saan man sa mundo ay mayroong mga naghihirap. Kahit pa sabihin na ang bansang Amerika o Europe ang pinakamaunlad na bansa sa buong mundo, hindi maiiwasang magkaroon doon ng mga pulubing namamalimos sa kalsada o mga matatandang nakaaupo sa isang tabi at mayroong lata sa kanyang tabi para mahulugan ng barya ng kung sino mang daraan.
Pero kahit ganito, marami pa rin sa mga kabatan ang hindi nakakaintindi. Marami pa rin ang hindi nagpapahalaga sa edukasyon at patuloy sa paggasta sa mga walang kwentang mga bagay.

No comments:
Post a Comment